Ibinahagi ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang naging susi sa pagkakuha nito ng kampeonato sa US Open Pool Championship.
Sinabi nito na kung hindi dahil panghihikayat ng kaniyang asawang si Niecky na magtungo sa US ay hindi nito makukuha ang kampeonato.
Wala kasing mga torneo sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic kaya hinikayat ito ng asawa niya na subukan ang suwerte sa US apat na buwan na ang nakakaraan.
Dahil sa pagpupumilit ng asawa na kaniyang sinunod ay nagtagumpay ito kung saan itinuturing niya itong kaniyang lucky charm.
Magugunitang tinalo ni Biado si Aloysius Yapp ng Singapore sa finals ng nasabing torneo kung saan nakapag-uwi ito ng nagkakahalaga ng P2.5 milyon.
Umaasa ito na makasama sa Billiard Congress of America Hall of Fame gaya nina Efren ‘Bata’ Reyes na kasama noong 2003, Francisco “Django” Bustamante noong 2010 at Alex Pagulayan noong 2019.
Wala pa rin itong desisyon kung sasali ba ito sa International Open sa susunod na buwan sa Virginia dahil matapos na itong nawalay sa kanilang anak.