-- Advertisements --

Labis ang saya ng Filipino fashion designer na si Ehrran Montoya matapos magwagi ang kanyang masterpiece na “BANAAG” bilang Best in National Costume para kay Reina Hispanoamericana Filipinas 2025 Dia Mate.

Sa mahigit 20 na mga kandidata, nagningning ang kasuotan ng beauty queen mula Cavite, sa Latin-dominated international beauty pageant na kasalukuyang nagaganap sa bansang Bolivia.

Sa exclusive interview ng Star FM Manila sa award-winning designer na si Montoya, inspirasyon umano nito ang Baroque churches sa Pilipinas. Ang obra ay pagpupugay nga sa mayamang kasaysayan ng bansa.

Bahagi ng exclusive interview ng Star FM Manila kay Ehrran Montoya, designer ng Best in National Costume sa Reina Hispanoamericana 2025.

Magaganap ang coronation night ng Reina Hispanoamericana 2025 sa Lunes, February 10, oras sa Pilipinas. Tatangkaing iuwi ni Dia Mate ang pangalawang korona ng bansa sa naturang pageant.