-- Advertisements --
Nabigyan ng honoray medal mula kay Queen Elizabeth II ang Pinoy driver na nanilbihan sa British Embassy.
Si Roland Quitevis mula sa Ilocos Sur, ay nagsimulang maging driver ng embahada sa edad 22.
Sa kaniyang 33 taon na paninilbihan bilang driver ng embahada ay naisakay na niya sina Prince Andrew, Princess Anne at Prince Charles ng bumisita sila sa Pilipinas.
Labis ang pasaalamat ni Quitevis dahil sa nabigyan siya ng parangal at pagkakataon na magkaroon ng comprehensive driving courses sa UK noong 1999 at 2013.
Sinabi ni British Ambassador Daniel Pruce na talagang nararapat ang parangal para kay Quiteves dahil sa kaniyang serbisyo sa embahada.