-- Advertisements --
Pumanaw na ang Filipino fashion designer na si Ben Farrales sa edad 88.
Kinumpirma ito ng isa niyang apo na si Jamie Farreles ang pagpanaw ng tinaguriang Dean of Philippine Fashion.
Ayon dito na nalagutan na siya ng hininga sa kanilang bahay.
Hindi na nito binanggit ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Isa si Farrales sa nagdala ng pangalan ng bansa para makilala sa fashion world sa buong mundo.
Sa anim na dekada niya sa industriya ay dinala niya ang “malong” fashion sa Canada, Los Angeles, New York at maraming iba pa.
Taong 2015 ng gawaran ito ng “Gawad CCP Para sa Sining” ng Culutural Center of the Philippines dahi sa kontribusyon nito at desenyo.