-- Advertisements --
Eddie Baddeo
Eddie Baddeo/ IG post

Pumanaw na ang sikat na Pinoy designer na si Eddie Badeo sa edad 57.

Kinumpirma ito ng kaniyang partner na si Edgardo Medina, na pumanaw nitong 1:40 a.m. ng Biyernes.

Na-diagnosed ang designer ng stage colorectal cancer noong 2016.

Nakilala ang mga gawa nito noong dekada ’80 sa pamamagitan ng paggamit ng mga kakaibang materyales sa kaniyang gawa gaya ng mga lumang CD at Venetian blinds.

Nagpost pa ito ng larawan ilang araw bago ang kamatayan na nagdiwang pa siya ng kaniyang 33-taon sa fashion industry.

Nakatakda sanang ilunsad nito ang kaniyang librong “Obra Maestra” sa Setyembre sa Cultural Center of the Philippines.