-- Advertisements --

Idiniin ng Pilipinong fashion designer na si Peuy Quinones si vlogger na si Claire Eden Contreras na mas kilala sa YouTube na si Maharlika.
 
Ito ay matapos ang mga paninirang-puri ng social media personality sa fashion designer.
 
Ayon kay Quinones, hindi nito alam ang eksaktong dahilan sa pag-atake sa kanya ni Maharlika ngunit sa kanyang palagay ito ay dahil siya ang designer ng pamilyang Marcos at nais ng vlogger na dungisan ang kanyang pangalan.
 
Si Maharlika ay dating taga-suporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
 
Nilinaw ng abogado ni Quinones na mayroong hurisdiksyon ang California kay Maharlika kahit pa nasa Pilipinas ang vlogger dahil dito niya inihayag ang paninirang puri sa fashion designer.
 
Naghain din ng criminal case si Quinones laban kay Maharlika dito sa Pilipinas.