Proud at overwhelmed ang Filipino fashion designer na si Jerome Navarro matapos umani ng positibong reaksiyon mula sa mga fans ang standout Darna national costume ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Ang Darna national costume na inirampa ng 25-year-old Filipina-Italian beauty queen sa preliminary competition ng Miss Universe ay kolaborasyon nga ni Navarro at ng Hollywood-based Filipino designer na si Oliver Tolentino. Si Navarro ang may likha ng headpiece at metalwork accessories ng naturang costume.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Navarro, ibinahagi nito na maraming pinagdaanan ang kanilang likha, at hindi pa ito umabot sa pag-alis ni Celeste patungong Estados Unidos. Gayunpaman, thankful ito dahil stunning ang naging pagdadala ni Celeste sa national costume.
“I was approached by the creative designer of Miss Universe Philippines, Albert Andrada, to help them execute the metal works for the Darna costume. They’re all made in brass, dipped in 24-carat gold. Matagal itong ginawa. Hindi na namin napa-fit sa kaniya. First fitting doon [sa US], wala naman ako. They had a hard time. Parang nasugatan pa si Celeste,” saad nito.
Sa tanong naman kung ano ang kaniyang naramdaman ng makita sa Miss Universe stage ang kanilang likha, hindi nito maitago ang kaniyang galak at naramdaman niyang masaya para sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay.
“Siyempre, the initial reaction ng mga gumagawa ng ganiyan, teary-eyed. Ako, buong angkan at buong barangay namin ang masaya for me!”
Naniniwala naman ang designer na kayang maiuwi ni Celeste ang panlimang korona ng bansa sa Miss Universe pageant na magaganap sa New Orleans, Louisiana, USA.
“Support natin si Celeste. Ang kaniyang panalo ay panalo ng sambayanang Pilipino.”