Nanguna si Dubai-based Filipino designer Michael Cinco sa mga pangalan na napiling magiging judge sa 73rd Miss Universe pageant.
Gaganapin ang nasabing coronation night sa darating na Nobyembre 17 sa CDMX sa Mexico City.
Makakasama ni Cinco sina Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens; Colombian actress, singer, and songwriter Fariana; renowned philanthropist, dentist, and entrepreneur Camila Guiribitey; entrepreneur Gianluca Vacchi; Telemundo host Jessica Carrillo; Miss Universe 1978 Margaret Gardiner of South Africa; fashion designer Eva Cavalli; renowned Brazilian artist Romero Britto; “King of Latin Music” Emilio Estefan; at digital entertainment star Lele Pons.
Sa social media account nito ay pinasalamatan ni Cinco ang organizers ng Miss Universe dahil sa pagpili sa kaniya na maging judge.
Magugunitang napiling pambato ng bansa si Chelsea Manalo na isa sa mga paboritong manalo ngayong taon.