-- Advertisements --

Nakatuon ngayon si Pinoy figure skating star Michael Martinez sa pagtuturo ng mga susunod na henerasyon na skaters.

Sinabi nito na kasama niya sina American Olympic figure skaters at U.S. Figure Skating Hall of Fame recipients Maia at Alex Shibutani na nagtuturo ng mga interesado sa nasabing sports.

Masaya ito dahil sa pamamahagi ng kaniyang mga nalalaman at pagtuturo sa ilang mga interesado sa nasabing sports.

Naniniwala ito na kaya ng Pilipinas na mamayagpag sa mga winter sports.

Huling sumabak si Martinez sa 2018 sa Winter Olympics na ginanap sa Pyeongchang, South Korea.