BAGUIO CITY – Wagi bilang Best Director ang Filipino filmmaker na si Romm Burlat sa Sweden Film Awards.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Direk Romm, nagpasalamat ito sa panibagong pagkilala na kanyang natanggap para sa pelikulang “Mammangi” na may international title na “Homecoming.”
Ang pelikulang “Mammangi” ay tumatalakay sa buhay ng mga corn famers sa Ilagan, Isabela.
“We’re very thankful. I’m so happy about it. In every achievement that I have, I always thank first the Lord for everything because without Him, this wouldn’t happen,” saad ng nasabing award-winning film director.
Ito na ang pangalawang international Best Director award ni Direk Romm.
Una na itong nagwagi sa India noong 2019 para sa naman sa kanyang pelikulang “Ama Ka Ng Anak Ko.”