-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binigyan ng imbitasyon ang tatlong Filipino filmmakers na maging bahagi ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

Kabilang sa 842 na miyembro sina Ditsi Carolino, PJ Raval, at Baby Ruth Villarama.

Sinama din ng nasabing organisasyon sina Lady Gaga, “Crazy Rich Asians” director Jonathan Chu, Spider-Man lead actor Tom Holland at marami pang iba.

Ayon sa Instagram post ni Raval ay tuwang tuwa ito na maging bahagi ng Academy. “WHAT A DAY!!! Not only is @callherganda having its @pbs broadcast premiere on @povdocs tonight at 10pm (check local listings!!!), but just got invited into @theacademy!!! And I’m in such great company too! Congrats to all!!! Best. Day. Ever!!! #WeAreTheAcademy

Nag-post din sa Facebook si Villarama ng kaniyang pagkatuwa upang maging bahagi ng isang prestihiyosong organisasyon.

“I guess life can really take this young dreamer from Baliuag by surprise. To changing the narrative how the world sees us and how we see ourselves within, it is my honour to raise our three stars and sun; our white, yellow, blue and red to be with the world’s finest in ushering the best documentary films from Asia and the world,” wika ni Villarama.

Ang mga naimbitahang miyembro ng Oscars organization ay nanggaling sa iba’t ibang sangay ng film making at sila ay boboto sa mga magiging nominees para sa sususnod na awarding.