Pinayuhan ng Malacañang ang mga Pilipinong mangingisdang apektado sa nangyaring insidente sa Recto Bank na maghain ng insurance claim sa may-ari ng Chinese vessel na nakabangga sa kanila noong June 9.
Kung maaalala, inihayag ni Gem-Ver 1 boat captain Junel Insigne na isang buwan matapos humingi ng tawad sa kanila ang may-ari ng Chinese vessel, wala pa rin silang nakukuhang tulong mula sa mga ito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman sila basta mabibigyan ng kompensasyon kung hindi sila magpa-file in insurance claim.
Ayon kay Sec. Panelo, may prosesong kailangang pagdaanan at maimbestigahan ng insurance company ang halagang dapat ibigay sa mga Pilipinong mangingisda.
Kumpiyansa naman ang Malacañang na tutuparin ng may-ari ng Chinese vessel ang sinabi nitong tutulong sila sa mga mangingisdang Pilipino.