-- Advertisements --
Maaari umanong maghain ng sarili nilang reklamo laban sa Chinese crew ang 22 Pinoy na mangingisdang nasagasaan sa Recto Bank, West Philippine Sea.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kung mabibigo ang gobyerno ng Pilipinas na mag-file ng complaint, pwedeng direkta na lamang na maghain ng kaso ang mga naapektuhan ng insidente.
Magagamit umano ng mga mangingisda ang PCG-MARINA report, ukol sa ginawang pagsisiyasat makalipas ang pangyayari.
Matatandaang sinabi ng mga sakay ng FB Gemver 1 na nakatigil sila nang biglang sagasaan ng Chinese vessel.
Hindi rin daw sila binigyan ng tulong, sa halip ay Vietnamese fishermen pa ang sumaklolo sa kanila.