-- Advertisements --

Napalitan na ang pintura ng Filipino food truck sa Utah matpos na ito ay ma-vandalize ng hindi pa nakikilalang anti-Asian group habang ito ay nakaparada sa Northern Utah.

Ayon sa part-owners na sina Benjamin Pierce and Erin Cotter, nabigla na lamang sila noong nakaraang mga araw dahil sa nakita nilang sinulatan gamit ng spray paint ang nasabing truck.

Matapos na mai-post ang nasabing insidente sa social media ay marami ang nagpaabot ng tulong para muling maibalik ang pintura nito.

Pinangunahan ni Utah Jazz Filipino-American player Jordan Clarkson na gumawa ng paraan para maibalik ang nasabing truck.

Bukod sa NBA player ay tumulong din si Mayor Joy Petro at mga opisyal ng Utah.

Ang World Famous Yum Yum Food Truck ay nagbebenta ng mga Filipino at Asian dishes.