KALIBO, Aklan—Ikinatuwa ng isang negosyanteng Aklanon matapos na marekognisa at gagawaran ng prestihiyosong ‘The Outstanding Filipino Awards’ (TOFA) bilang isa sa mga service volunteer awardee.
Ayon kay Mr. Tamerlane Mopia, tubong bayan ng Makato, Aklan at kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos na malaking bagay para sa kaniya ang nasabing award dahil nagpapatunay lamang ito na may maganda silang nagawa kasunod sa pagrekognisa sa kanilang mga kawang gawa.
Kaugnay nito, ang awarding ceremony ay gaganapin sa Zipper Hall sa Los Angeles, California sa Oktobre 25 ng kasalukuyang taon.
Kwento pa ni Mopia na maraming trabaho ang kaniyang pinasukan bago pa man nakarating sa kasalukuyang sitwasyon nang kaniyang pamumuhay makalipas ang labing-apat na taon.
Una rito, nagsagawa ng medical mission ang kaniyang grupo sa bayan ng Makato kung saan, ang pondong ginamit ay bahagi ng kinita niya sa inorganisang concert sa nasabing bansa.
Maliban sa nasabing pagkilala, ginawaran din si Mopia ng Gawad Amerika’s Outstanding Young Entrepreneur noong 2022 at America Excellence Award 2023 para sa ‘Outstanding Medical Entrepreneur of the Year’.