-- Advertisements --

Nagwagi si Filipino Chess Grandmaster Mark Paragua sa FIDE Online Chess Olympiad.

Ito ay matapos talunin niya si International Master Asyl Abdyjapar sa score na 6-0.

Hindi pinatawad ng New York-based Paragua kung saan tinapos ang laro sa loob lamang ito ng 20 moves.

Ang nasabing panalo ay siya ring naging inspirasyon para magwagi ang ilang mga Pinoy chess players na sina GM Joey Antonio, WIM Catherine Seoopito, Jerlyn Mae San Diego, Michael Concio at WIM Bernadette Galas.

Tinalo ni Antonio si Andrei Mazntisin sa pamamagitan ng kaniyang 32-move habang hindi naman pinaporma ni Secopito si Diana Omurbekova.

Binigo naman ni San Diego si Shakhnazi Musaeva habang tinalo ni Concio si Aziz Degenbaev at hindi pinaporma naman ni Galas si Aizhan Alymbai Kyzy.