-- Advertisements --

Pumanaw na si Pinoy golfer Felix ‘Cassius’ Casas sa edad na 57.

Kinumpirma ng kaniyang kapatid na babae na si Angie ang pagpanaw ng sikat na golfer sa bahay nito sa Davao province.

Ilang linggo bago ang pagpanaw ay labis ang kaniyang pag-ubo at nitong araw ng Linggo ay dinala na ito sa pagamutan dahil sa hirap itong huminga.

Ang Davao-born ay nagwagi ng Philippine Open noong 2001 at Philippine Masters noong 2000 sa Villamor.

Nagwagi rin ito sa Razon Cup ng dalawang beses na ginanap sa Country Club.

Napili siyang makipaglaro kay Tiger Woods sa exhibition game sa Mimosa sa Clark noong 1998.

Siya rin ang unang Pinoy na naglaro sa US Open at unang alternate sa Bethpage Black noong 2002.