-- Advertisements --

Itinuturing ni Filipino golfer Juvic Pagunsan na isang katuparan ng kaniyang panaginip ang opisyal na pagsali nito sa Tokyo Olympics.

Ang Mizuno Open champion kasi ay nakapasok sa Tokyo Olympics matapos na magtagumpay sa mga qualifying games.

Huling nakapaglaro sa Olympics ang Pinoy sa golf ay noong 2016 Rio Gmes sa pamamagitan ni Miguel Tabuena.

Makakasama ng 43-anyos na golfer sina boxers Nesthy Petecio, Irish Magno, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, skateboarder Margielyn Didal, taekwondo jin Kurt Bryan Barbosa, rower Cris Nievarez, weightlifters Hidilyn Diaz at Erleen Ann Ando, at shooter Jayson Valdez.

Malalaman naman sa susunod na linggo kung makakasama sa Tokyo Olympics si Pinay golfer Yuka Saso kapag mailabas na ang women’s ranking.