Muli na namang nagkampeon ang Pinoy supergrandmaster na si Wesley So sa katatapos lamang na 2021 US Chess Championship nitong araw ng Miyerkules .
Noong nakaraang taon ay tinanghal din na kampeon ang Bacoor, Cavite born na si So na ngayon ay isa ng American citizen at naglalaro na sa ilalim ng bandila ng Estados Unidos.
Bago ang rapid tie breaker nagtapos sa tig-6.5 points ang tatlong mga grandmasters na sina Fabiano Caruana at Samuel Sevian.
Dahil dito nauwi sa rapid playoff ang nangyari upang kilalanin ang hari sa taunang event na ginanap sa Saint Louis Chess Club sa Missouri.
Inamin naman ni Wesley na hindi niya akalain na magkakampeon muli siya ngayong taon lalo na at humabol ang world’s number 2 na si Caruana.
“I remember in 2017, I really wanted to win my first US Championships because it was getting more and more difficult. I wasn’t sure if I was going to win it but now this is my third title and it’s huge,” ani So matapos ang torneyo.
Mistula ring pa-birthday ang muling pagkampeon ng Pinoy dahil nitong nakalipas lamang na October 9 ay nagdiwang siya ng kanyang ika-28 kaarawan.
Nagbulsa si So ng katumbas P2.5 million na premyo.
Kung tutuusin ito na ang ikatlong world chess title ni Wesley sa Amerika.
Kung maalala dating kampeon sa Pilipinas si Wesley pero nadismaya ito sa politika sa Pilipinas at sa kakulangan ng mga chess tournaments hanggang sa lumipat siya sa Amerika.