-- Advertisements --

Nagdagdag pa ng dalawang gintong medalya si Filipino gymnast Carlos Yulo sa pagtatapos ng 2024 Men’s Artistic Gymnastics Asian Championship.

Nanguna ito sa vault at parallel bars sa torneo na ginanap sa Gymnastics Sport Palace sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang Olympic-bound na gymnast ngayon ay mayroon ng kabuuang apat na gold medals sa nasabing torneo.

Unang nagwagi ito sa individual all-around at floor exercise na tinalo niya ang matinding katunggali na si Milad Karimi ng Kazakhstan.

Nasa pang-apat naman na puwesto ang isang Pinoy gymnast na si Juancho Besana.