-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang ensayo ni Filipino gymnast Carlos Edriel Yulo kahit na may ipinapatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa 20-anyos na gymnast, hindi niya sinasayang ang pagkakataon na mag-ensayo para sa nalalapit na Tokyo Olympics.
Sinabi naman ni Cynthia Carrion, pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na dismayado ito dahil sa ipinagpaliban ang Olympics.
Gumawa ng kasaysayan si Yulo ng manalo ito ng gintong medalya sa floor exercise event sa 2019 World Artistics Gymnastics Championship sa Stuttgart, Germany.