-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Pinoy gymnast Carlos Yulo ang mga sumuporta sa kaniya matapos na makamit ang apat na gintong medalya sa 2024 Asian Gymnastics Union Men’s Asian Artistic Gymnastics Championships sa Uzbekistan.

Sinabi nito na naging sulit ang ginawang pag-ensayo ng mga Team Philippines para sa nasabing torneo.

Tiniyak nito na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakakaya para makapag-uwi ng gintong medalya sa Paris Olympics.

Ang nasabing torneo niya sa Uzbekistan ay isang paghahanda para sa pagsabak niya sa Paris Olympics.