Kinilala ng mga organizers ng 30th Southeast Asian Games ang kabayanihan ng Pinoy surfer na si Roger Casugay na iniligtas ang kalaban na Indonesian habang nasa kasagsagan ng surfing event.
Ang special citation kay Casugay bilang Fair Play Athlete ay kauna-unahan sa kasaysayan ng SEA Games.
Sa pag-akyat sa stage ni Casugay kasabay ng closing ceremony sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac, ay ibinigay sa kanya ang malaking tropeyo.
Kabilang sa mga opisyal na sumaksi sa parangal sa atleta ay sina PHISGOC chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano, Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino, PSC Chairman William Ramirez, Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pa.
Sa statement ng SEA Games organizers ipinaliwanag nito ang parangal kay Casugay dahil “for displaying extraordinary concern to a fellow athlete in the midst of competition. Roger Casugay of the Philippines is named Fair Play Athlete for going out of his way to rescue a fellow athlete who got swept by the waves in the heat of the surfing competition in Mona Lisa Point, La Union.”
Sa ginanap naman na parade of athletes si Casugay din ang napiling maging flag bearer.
Una na ring ipinagmalaki ni Ramirez na ang pagpili kay Casugay.
“The Games are not only about medals. It is about character, resilience, love for one another and shoring up the faith of the person next to you.”
Kung ipapaalala ang exclusive video ng Bombo Radyo La Union sa madramang pag-rescue ni Casugay sa Indonesian ay naging viral video pa sa internet kung saan mahigit na sa 5 million ang mga views at likes. (link: https://www.facebook.com/bomboradyolaunion/videos/429507504620889/ )