Nakabalik na ngayon sa Israel ang Pinoy hostage na pinalaya ng militanteng grupong Hamas mula sa pagkakabihag.
Ayon sa Israeli Embassy in Manila, sa paglaya ni Pacheco ay agad itong sinalubong ng mga senior representatives ng Israeli Ministry of Foreign Affairs, kasama na rin si Philippine Ambassador to Israel Junie Laylo.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa kaukulang medical evaluation sa pagamutan ang pinalayang Pinoy hostage na si Jimmy Pacheco upang tiyakin ang kaniyang kalagayan at kalusugan.
Samantala, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang panalangin nito para sa ligtas na pagpapalaya sa nasa mahigit 200 pang mga hostages na nananatiling bihag ng militanteng grupong Hamas.
Kung maaalala, aabot sa 24 na mga bihag na ang unang pinalaya ng Hamas na kinabibilangan ng isa Pilipino, 13 Israeli, at 10 Thai nationals.