-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang Filipino Olympics qualifier na si John Cabang Tolentino matapos na ideklara ng kaniyang doktor na hindi na ito makakapaglaro sa kaniyang event sa Paris, France.

Ayon kay John, naka-schedule sana ang laban nito para sa men’s 110-m Hurdles kaninang alas-4:50 ng hapon.

Dahil umano sa injury kaya hindi na ito nakapaglaro sa heat 2 ng repechage.

Hindi na idinetalye ng kaniyang team ang buong kwento ukol sa natamong pinsala ng Pinoy runner.

Maging ang Philippine Olympic Committee ay nanghihinayang din sa sinapit ng ating atleta.

Payo naman ng mga fans, unahin na lang muna ni Cabang ang kaniyang kalusugan dahil marami pa namang pagkakataon para siya ay makasali sa ibang event.