Tiniyak ng mga may-ari ng Stena Impero, ang British-flagged oil tanker na hawak ngayon ng Iran, na nasa mabuting kalagayan ng Pilipino at iba pang mga triplulante ng nasabing vessel.
Sa pahayag na inilabas ng Stena Bulk and Northern Marine Management, nakausap ng Indian, Russian at Philippine embassy officials ang mga crew members mula sa kani-kanilang mga bansa at iniulat ang maayos na kalagayan ng mga ito.
“We hope this situation can be resolved swiftly and will continue to hold an open dialogue with all involved governments and authorities to secure the release of the crew and vessel,” saad pa sa pahayag.
Sinamsam ng Iran ang Stena Impero noong Hulyo 19 na sinasabing ganti sa pagkuha naman ng Britain sa isang Iranian tanker dalawang linggo bago ang insidente. (Reuters)