-- Advertisements --

Sinimulan na ni Filipino ice skater Michael Martinez ang kaniyang fundraising activities para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 22.

Sa kaniyang social media nagpost ito ng mga larawan at video ng kaniyang training sa US.

Pinaghahandaan kasi nito ang Olympic qualifying tournament sa NEBELHORN TROPHY na gaganapin sa Setyembre 22 hanggang 25, 2021 sa Germany.

Kasama niya sa training ang kaniyang coach na si Nikolai Morozov na isang batikang ice skating coach sa mundo.

Magugunitang nabigona nakasama si Martinez sa 2018 PyeongChang Olympics ng magtapos ito sa pang-28 sa kabuuang 30 competitors.

Naging unang Olympic skater mula sa Southeast Asia si Martinez na sumali rin sa 2014 Sochi Olympics.