-- Advertisements --

Umatras na sa huling qualification tournament para sa 2022 Beijing Winter Olympics si Pinoy ice skater Michael Martinez.

Ayon sa Philippine Skating Union na nagkakaroon ng pabalik-balik na injury si Martinez kaya hindi na ito lumahok sa Nebelhorn Trophy sa Germany.

Dahil dito ay hindi na matutuloy ang pangatlo sanang pagsali nito sa Winter Olympics.

Magiging representative na lamang ng bansa sina Sofia Frank at Edrian Celestino kasama si speed skater Julian Macareng para sa Winter Olympic qualifying competition.