-- Advertisements --

Kabilang ang isang Filipino sa walong nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa San Jose, California.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kinumpirma sa kanila ng Philippine Consulate General sa San Francisco ang pagkasawi ng isang Filipino.

Magugunitang pinagbabaril ng suspek na si Samuel Cassidy, 57-anyos an g ilang katao sa light-rail yard commuter train sa Santa Clara Valley Transportation.

Patay din ang suspek matapos na magbaril umano ito sa sarili.

Habang kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Lars Kepler Lane, 63, Abdolvahab Alaghmandan, 63, Michael Joseph Rudometkin, 40;
Timothy Michael Romo, 49 ; Jose Dejesus Hernandez, 35
Adrian Balleza, 29; Taptejdeep Singh, 36; Paul Dela Cruz Megia, 42.

Inaayos na rin ng DFA ang mga papeles at dokumento para sa pagpapauwi ng biktima.