Pinalaya na ng Iran ang pitong crew members ng Portuguese-flagged Israeli-linked ship MSC Aries.
Kinumpirma ito ng foreign ministry ng Portugal ang paglaya ng limang Indians, isang Filipino at Estonian mula sa barko na kinumpiska ng Iranian Armed Forces noon pang Abril 13.
Mayroon pang natitirang 17 crew members ang kasalukuyang naiwan sa nasabig barko.
Papayagan lamang ng Iran na mapalaya ang lahat ng mga crew members kung ang kapitan ay pumayag na umalis rin.
Magugunitang kinumpiska ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran ang barko matapos na bombahin ng Israeli military ang consulate ng Iran sa Syria na ikinasawi ng pitong miyembro ng elite forces kabilang ang dalawang heneral nila.
Patuloy ang ginagawang pakikipag ugnayan ng gobyerno ng Portugal para mapalaya na ang mga natitirang crew members ng barko.