-- Advertisements --

Muli na namang nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino karate James De los Santos.

Nakuha niya ang ika-17th gold medal niya sa Katana InterContinental Karate League e-Tournament.

Sa nasabing torneo ay nagtala ito ng 26.1 points unang pagkakataon.

Nahigitan ng 30-anyos ang pambato ng Costa Rica na si Juan Achio na mayroong 25.1 points lamang.

Magugunitang nasa unang puwesto sa e-kata si De Los Santos matapos ang mga matagumpay na panalo sa mga sinalihan nitong online tournaments.