-- Advertisements --

Malapit ng mahigitin ni Filipino karateka James Delos Santos ang kaniyang 36-gold medal na nakuha noong nakaraang taon.

Umabot na kasi ngayon sa 35 gold medals ang kaniyang nakukuha sa kumpetisyon at mayroon pang nasa 15 torneo ang sasalihan nito bago matapos ang 2021.

Huling nakuha niya ang 35th gold medal sa Katana InterContinental Karate League e-Tournament.

Pumuntos siya ng 26.58 at tinalo niya si Marcus Madrusan ng Norway.

Nananatili pa ri siya sa unang puwesto ng e-kata player sa buong mundo mula pa noong Oktubre noong nakaraang taon.