-- Advertisements --

ILOILO CITY – Muli na namang nangibabaw sa buong mundo ang Filipino karateka champion na si Orencio James De Los Santos.

Ito’t mayapos itinanghal si De Los Santos bilang grand winner sa E-Karate Games 2020 kung saan tinalo nito si Wasmuel Wado ng Belgium.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Delos Santos, sinabi nito na ito na ang kanyang ika-36 gold medal at best Christmas gift aniya na kanyang natanggap.

Napag-alaman na si Delos Santos ay ang No. 1 sa Virtual Kata World Rankings at mayroon ng 15,710 points.