-- Advertisements --

Nakamit na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings.

Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament.

Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos.

Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal.

Sinabi nito na naging sulit ang pitong buwang walang tigil na pagsali sa mga virtual tournament.

Ang bagong layunin na nito ngayon ay ang pagpapanatili niya sa unang puwesto ng matagal na pagkakataon.