-- Advertisements --

Target ngayon ni Filipino Karateka James De Los Santos na makuha ang number 1 world ranking.

Kasunod ito ng pagkamit ng gold medal sa Balkan Open E-Tournament.

Ito na ang pangatlong beses na nagwagi ito sa virtual kata tournaments.

Tinalo nito ang mga pambato ng Slovenia, Morocco at Spain.

Sinabi nito na ang panalo ay magdadagdag ito ng puntos sa virtual kata world rankings.

Noong 2017 Southeast Asian Games ay nakakuha ito ng bronze medal at nagwagi naman ito ng gold medals sa Korokotta Cup 2020 E-Tournament at sa Palestine International Karate Cup.

Bukod pa dito ay nakakakuha siya ng bronze medal sa SportData e-Tournament World Series.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa world number 3 na ito.