-- Advertisements --

Nasa pangalawang puwesto na sa world ranking ng Filipino karateka James delos Santos.

https://www.instagram.com/p/CDilNEgBC06/

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang hawak nito ang world ranking.

Malaking tulong dito ang pagkakuha niya ng gold medal sa katatapos na Balkan Open e-Tournament.

Mayroong kabuuang score na 3270 points sa world ranking na mula sa dating number 3 ay naging number 2 na ito.

Nangunguna pa rin sa puwesto si Eduardo Garcia ng Portugal na mayroong 5995 points.

Naging usap-usapan ito noong nakaraang 2019 SEA Games dahil umano inalis siya sa national team ng Karate Pilipinas na mariing pinabulaanan naman ng grupo ang akusasyon nito.