-- Advertisements --

Muling namayagpag si Philippine Karateka James Delos Santos matapos na magkamit ng tatlong gintong medalya sa mga sinalihan nitong virtual tournament.

Nanguna ito sa Okinawa E-Tournament World Series , Third Dutch Open E-Tournament at Athlete’s E-Tournament Finale.

Sa kabuuan ay mayroon na itong 33 gold medal na nakamit sa pagsali sa mga torneo ngayong taon.

Dahil dito ay siya ang nasa unang puwesto ng men’s e-kata player sa buong mundo.

Umaasa ito na makabalik na ang lahat sa normal para mas marami ang makasali.