-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Wala na lamang nagawa ang Pinoy karateka na si James Delos Santos makaraang manalo ng gold medal ngunit nag-uwi na lamang ng silver sa isinagawang Adidas Karate World Open Series E-Tournament 2020 noong Miyerkules.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Delos Santos, hindi man niya alam ang rason, tatanggapin na lamang daw niya ang nangyari at kailangan pa rin daw nitong tumayo kahit paminsan-minsan ay nadadapa sa kanyang karera.

Magpupursige na lamang din aniya ito na makapag-uwi pa ng maraming parangal para sa Pilipinas.

“Mahirap talaga ang buhay ng isang athleta pero its something that I really enjoy doing to. As long as you up there and you’re training because you’re doing it for the love of sport, continue to do it. If its really you happy that’s what really matters the most,” wika ni Delos Santos.