CAUAYAN CITY – Hinikayat ng pamunuan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga bagong abogado na pumasa sa 2019 Bar Examinations na yakapin ang makabagong teknolohiya sa komunikasyon upang makasabay sa global arena.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo Egon Cayosa, presidente ng IBP, na bilang bagong mga abogado ay mayroong magpapatuloy sa misyon ng mga manananggol.
Dapat aniyang maging dependent sila sa bawat isa at makita nila na global na ang legal profession at malaki ang maitutulong ng makabagong teknolohiya para makapagtrabaho ng mas mabilis.
Naniniwala siyang ang mga Filipino lawyers ay maaring makipagsabayan sa global stage.
Kinakailangan din umanong pag-aaralan ang teknolohiya upang mapabilis ang field of justice sa bansa.