-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan si Janry Ubas sa 2023 Asian Indoor Athletics Championship sa Astana, Kazakhstan.

Nagwagi ito ng bronze medal matapos makakuha ng 5246 points sa pitong events para sa podium finish ang 29-anyos na si Ubas.

Ang nasabing medalya ay siyang kauna-unahang medalya para sa Pilipinas matapos ang 19-taon na kasaysayan ng Asian Indoor Championship.

Nagkampeon sa nasabing event si Yuma Maruyama ng Japan habang pumanagalawa naman si Keisuke Okuda.

Magugunitang hindi na lumahok sa kumpetisyon si EJ Obiena dahil sa logistical problems.