-- Advertisements --
Pumanaw na ang Filipino champion marathoner na si Rafael Poliquit Jr.
Ito mismo ang kinumpirma ng Philippine Sports Commission dahil sa kumplikasyon sa subdural emphyema at ito ay binawian ng buhay pasado 2 p.m nitong Huwebes sa V. Luna Medical Center.
Nakatakda sanang magrepresenta ng Pilipinas ang 30-anyos na si Poliquit sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Subic.
Tubong Tagum City, Davao del Norte si Poliquit at tatlong beses itong nag-kampeon sa Milo Marathon noong 2014, 2015 at 2018.
Kasama niyang naging representative ng bansa si Mary Joy Tabal noong 2016 Boston Marathon.
Nagtala ito ng personal record na 2 hours, 28 minutes and 47 seconds sa 2018 National Finals na ginanap sa Laoag City noong Disyembre.