-- Advertisements --
Isang overseas Filipino worker (OFW) ang pinatawan ng multa sa Taiwan dahil sa paglabag sa quarantine regulations ng walong segundo.
Iniulat ng Taiwan Department of Health na ang naturang Pinoy na hindi isinapubliko ang pangalan ay naka-quarantine sa isang hotel sa Kaohsiung City.
Gayunman lumabas daw ito sa kanyang kuwarto sa hall ng hotel at nakunan ng CCTV camera.
Agad naman daw itong isinumbong ng hotel staff sa Department of Health at pinagmulta ng $3,500.
Batay sa patakaran ng Taiwan, ang mga taong naka-quarantine sa hotel ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kuwarto.
Ang labis na higpit ng Taiwan ay hinahangaan sa mundo dahil sa ngayon meron lamang silang pitong patay sa COVID-19 at mahigit lamang sa 700.