-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang isang Filipino migrant worker matapos malunod sa isang beach sa Tainan City, Taiwan.
Kaagad na nagresponde ang Tainan City Government matapos makatanggap ng report na mayroong nalulunod na grupo ng mga migrant workers sa isang sikat na scenic spot na Sunset Platform sa Anping District.
Anim na katao ang nadala pabalik sa dalampasigan ng mga otoridad ngunit hindi na umano humihinga ang 30 taong gulang na Pinoy migrant worker na kinilalang si Renz na tubong Pangasinan.
Dinala pa sa Kuo General Hospital ang biktima ngunit hindi rin ito naisalba at idineklarang patay ng doktor