-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaan para sa malaking laban si Filipino Mixed Martial Arts fighter Lito Adiwang.
Sinabi ng Team Lakay member ng Baguio City, target nitong makaharap si Demetrious “Mighty Mouse” Johnson.
Mula pa aniya noon ay pinangarap na niyang makaharap si Johnson.
Itinuturing rin ito na kaniyang idolo si Johnson at ang paghaharap nila ay masusubok ang galing nito.
Aminado ito na baguhan pa lamang siya sa ONE Championship at kung sakaling mabigyan ito ng pagkakataon na makaharap si Johnson ay agad na niya itong papatulan.