-- Advertisements --
Naitala ni South Korean mixed martial arts fighter Kwon Won II ang pinakamalaking panalo sa kaniyang career.
Ito ay matapos na tuluyang talunin si Filipino MMA fighter Kevin Belingon sa kaniyang paghaharap sa ONE: Winter Warriors 2 na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.
Pinatumba ni Kwon si Belingon sa loob ng 52 seconds ng ikalawang round.
Ginamit nito ang kaniyang 5’10 na tangkad laban sa 5-foot-5 Pinoy fighter.
Hinamon nito sina no.1 contender John Lineker at bantamweight champion Bibiano Fernandes para sa susunod na makakalaban.
Dahil sa panalo ay mayroon ng record si Kwon na 10 panalo at tatlong talo habang mayroong 20 panalo at siyam na talo si Belingon.