-- Advertisements --

Nagwagi si Filipino fighter Rene Catalan laban kay dating ONE strawweight world champion Yoshitaka Naito.

Nadomina nito ang unang round sa loob ng 4:32 para tuluyang makuha ang TKO win laban kay Naito.

Isinagawa ang laban sa Thuwunna Indoor Stadium sa Yangon, Myanmar bilang undercard ng “ONE: Reign of Valor”.

Dahil sa panalo ay mayroon ng anim na panalo at dalawang talo si Catalan habang mayroong 13-3 win-loss record naman si Naito.