-- Advertisements --
Labis ang kasabikan ni Brave CF bantamweight champion Stephen Loman sa kaniyang ikatlong title defense laban kay Elias Boudegzdame ng France, sa main event ng BRAVE 22: Storm of Warriors sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Biyernes, Marso 15.
Ayon sa kaniyang coach na si Mark Sangiao na mas lalong malaki ang motibasyon nito para manalo.
Asahan aniya na kakaibang Stephen Loman ang makikita sa nabanggit na laban.
Ito na rin ang unang cage appearance ngayon taon ng Team Lakay member.
Mayroon record si Loman na 11-2 win-loss record noong 201 ng talunin si Gurdashan Mangat sa pamamagitan ng technical knockouts.