-- Advertisements --

BOMBO BUTUAN- Sobrang saya ang naramdaman ng Pinoy na si Remigio Bonzon o R’Bon Gabriel matapos kinoronahang Miss Universe 2022 ang kanyang Fil-Am na anak na si R’Bonney Gabriel kaninang umaga, oras sa Pilipinas sa naganap na coronation night sa Ernest N. Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, United States of America.

Sa eksklusibong panayam ni Bombo international new correspondent Ferdinand Nakila kang G. R’Bon matapos ang pageant, wala itong ibang nasabi kondi ang sobrang kagalakan niya na nakapagbigay ng dangal ang kanyang anak sa bayan ng kanyang asawa, ang Estados Unidos at sa bansang Pilipinas na kanya ring pinanggagalingan.

Kahit umano hindi napasok sa Top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi, proud pa rin ang lahat ng mga Filipino dahil sa na-abot ng kanyang anak.