WASINGTON DC – Naghain ng guilty plea ang Pinoy na tinaguriang walis tambo man na kasamang lumusob sa U.S Capitol noong Enero 6, 2021 na nagresulta sa pagkamatay ng limang tao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Ang pinoy ay si Kene Brian Lazo.
Ayon kay Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales, inamin ni Lazo kay US District Judge Christopher Cooper, na siya ang nakasuot ng mala-Captáin Amerika na costume na kasama ng mga Trump supporter na lumusob sa U.S. Senate building, kung saan isinagawa ang sertipikasyon sa pagkapanalo ni US Pres. Joe Biden sa naturang halalan.
Itinakda ng korte sa Washington DC ang pagbibigay ng sentensiya kay Lazo sa Hulyo. Nakipagkasundo siya sa korte para sa isang plea agreement kaugnay sa kinakaharap niyang patong-patong na kaso ng “misdemeanor.”
Inaresto siya US Federal Bureau of Investigation noong Mayo 2021 sa Norfolk, Virginia.
Napag-alaman na nasa 786 katao ang kinasuhan ng FBI sa US District Court kaugnay sa naturang paglusob ng mga tagasuporta ni Trump.