-- Advertisements --

P630,000 pesos na tulong ang natanggap ni Jimmy Pacheco mula sa gobyerno. Siya ang Pilipinong caregiver na hinostage ng Hamas na pinalaya noong Nobyembre at nakauwi sa Pilipinas noong ika-18 ng Disyembre.

Nakatanggap din si Pacheco ng 500,000 pesos sa Opisina ni Speaker Martin Romualdez at 20,000 pesos mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Binigyan din ng DSWD ang tatlo nitong anak ng tig-tatatlong libo.

Dagdag pa diyan ang 95,000 na livelihood assistance mula DSWD at Department of Labor and Employment.